HAPPINESS.
Natanong mo na ba yung sarili mo kung saan ka nagkulang? O kung may mali ka ba?
—ang hirap ano? Ang sakit din isipin. Yun bang iisipin mong ikaw ang may mali at ikaw sobrang sakit ang nararamdaman sa thought nakasakit ka.
Kung naranasan mo nang magseryoso sa isang relasyon, at magmahal ng sobra, alam mo ang sinasabi ko. Yun bang, kahit hindi mo kasalanan, aakuin mo nalang para wala nang away, para wala nang masaktan. Kase alam mo mismo sa sarili mo, nasasaktan din siya. Yun bang gugustohin mong hilingin na sana pwedeng hingin yung lahat sakit na nararamdaman niya para wag lang siyang masaktan. Maraming nagsasabi, katangahan daw ang sobrang magmahal, eh sila yata yung mga tanga eh, ang hindi nila alam, ang sarap magmahal. Yun bang walang hingian ng kapalit dahil hindi mo na kailangan humingi dahil kusa kayong nagbibigayan? Yun bang hindi niyo na hihilingin na pasayahin ang isa’t isa dahil gusto niyo mismo mapasaya ang isa’t isa.
Ang pagmamahal? Oo, sobrang saya, sobrang sarap sa pakiramdam, at sobrang sakit din. Eh wala naman talagang perpekto sa pagmamahal. Sa Diyos nga eh, kelangan niya pang mamatay at magbuwis ng buhay para sa pagmamahal niya sa’tin. O diba? Wala talagang perpekto. Andun naman talaga yung mga pagsubok na hindi lang sumusukat sa tibay niyong dalawa, kundi nagpapatibay din sa inyo.
Yang mga hiwalayan? Oo, normal yan sa isang relasyon. Pero ang magkaiba lang sa isang relasyon sa ibang relasyon ay yun bang pipiliin nilang bumalik sa isa’t isa at tangganpin yung mga lessons na resulta ng hiwalayan niyo.
May iba-iba namang rason ang hiwalayan diba? Minsan ikaw yung pagod na, minsan naman, siya.
Sa sitwasyon ko naman, pagod na siya. Oo, pinasuko na niya ako. Ayoko sana. Oo, kase mahal na mahal ko siya. Siya lang yung minahal ko ng ganito, yun bang nasabi ko na kay God na “Lord, thank YOU. Thank you at binigay mo siya sa’kin, mas magiging good girl na po talaga ako, wag mo lang siyang kunin sa’kin ha? Thank You ulet Papa God :))” ang ganda ng epekto niya sa buhay ko ano? Sa totoo lang, siya na rin yung gusto kong makasama sa susunod pang mga taon hanggang sa pwede na kaming mahintulutang maging isa at magamit ko yung apelyido niya. Ganun ko siya kamahal :) Pero, wala eh, pinasuko niya ako. Kaya ang wish ko nalang at laging pinipray ay sana may mas okay na ibigay si God sa kanya, yun bang bibigyan siya ng ultimate HAPPINESS. Yun bang kahit hindi siya sigurado sa mga bagay-bagay, ay di pa rin siya iiwan, iintindihin siya, at higit sa lahat, mamahalin siya ng buong buo. Oo, gusto ko lang sumaya siya. Oo nga, nasaktan nga ako ng sobra, pero mahal ko talaga siya eh. Kung hindi na siya sasaya saakin, hihilingin ko pa ring sumaya siya. Kung maitatanong mo, kung masakit ba, OO, SOBRA pa nga eh. Hehe. Sobra talaga.
Isa lang naman yung gusto kong gawin ngayon—
SANA PWEDE KO LANG MASABI SA KANYA NA MAHAL NA MAHAL KO SIYA :((